Flip Flop Wars...
Pangalan: Havaianas
Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil
Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)
Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber).
Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.
Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.")
Malulupit na katangian at kakayahan:
- - Masarap isuot.
- - Shock-absorbent
- - Malambot ngunit matibay
- - Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- - Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- - Mainam na pang-japorms
- - Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- - Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- - Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- - Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy
Olats na mga katangian:
- Mahal!
- Mahal!
- Mahal!
Pangalan: Spartan
Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines
Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).
Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.
Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)
Malulupit na katangian at kakayahan:
- - Maaring ipampatay sa ipis
- - Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- - Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- - Pwedeng ipamalengke
- - Mainam gamitin sa tumbang-preso
- - Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- - Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- - Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- - Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- - Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.
Olats na mga katangian:
- - Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- - Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- - Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas
2 comments:
pero nahirapan din kaming maghanap ng spartan ha. hindi na pala ito itinitinda sa mga department store.
sa palengke pa kami nakabili. hirap pa maghanap ng size. 50 pesos ang isang pares. pero siguro pwede pang tawaran.
di ko nabalitaan na tininda sa department store yun spartan ang alam ko talaga sa palengke lang siya tinitinda..
Post a Comment