Showing posts with label Havaianas. Show all posts
Showing posts with label Havaianas. Show all posts

07 May 2008

Slippers: Spartan Vs Havaianas

Flip Flop Wars...

Pangalan: Havaianas

Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil
Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)
Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber).
Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.
Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.")
Malulupit na katangian at kakayahan:

  • - Masarap isuot.
  • - Shock-absorbent
  • - Malambot ngunit matibay
  • - Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
  • - Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
  • - Mainam na pang-japorms
  • - Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
  • - Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
  • - Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
  • - Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy

Olats na mga katangian:

  • Mahal!
  • Mahal!
  • Mahal!

Pangalan: Spartan

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines
Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).
Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.
Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)
Malulupit na katangian at kakayahan:

  • - Maaring ipampatay sa ipis
  • - Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
  • - Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
  • - Pwedeng ipamalengke
  • - Mainam gamitin sa tumbang-preso
  • - Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
  • - Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
  • - Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
  • - Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
  • - Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.

Olats na mga katangian:

  • - Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
  • - Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
  • - Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas